Para sa mga babae, ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ang pinakamahalagang parte ng buhay nila. Dito nila ipinapakita kong anong klaseng tao sila at dito natin masasabi na ganap na tayong mga babae.Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga natitimplang gatas para sa mga bata. Karamihan kasi sa mga ina ay nagtatrabaho sa loob man o labas ng ating bansa.Mas pinapalaganap nila ang pagbili ng gatas kaysa sa pagpapadede.
Para sa akin, mainam pa rin sa bata ang gatas na galing sa ina. Mas masustansya ito kumpara sa mga nabibiling gatas. Para sa kalusugan ng bata at sa ina na din mismo ang pagpapadede. Lahat ng bitamina na galing sa ina ay nadedede ng bata. Nasa ina din kong paano pangalagaan ang sarili, patungkol sa kinakain nila. Gusto kong isulong ang pagpapadede sa mga bagong panganak na sanggol hanggang dalawang taon para na din sa kabutihan ng anak at ng ina.
Importante ang kalusugan ng isang sanggol kaya pakainin natin sila ng mga masustansyang pagkain at painumin ng tama at sapat na gatas. At kailangan din ng alaga at pagmamahal ng isang magulang para lalong makaiwas sa sakit.
No comments:
Post a Comment